Vilmar Batingal
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 10, 2018
  • Time of Incident: 1:00 pm
  • City of Incident: General Trias City
  • Province of Incident: Cavite
  • Killed in police operation in public
Source(s)

GENERAL TRIAS, Cavite – Patay ang isang drug suspek matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Barangay San Francisco Sabado ng hapon.

Dead on arrival sa General Trias Medicare Hospital ang suspek na si alyas Bimar na tulak umano ng droga sa lugar.

Ayon sa pulisya, nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya bumunot siya ng baril at nagpaputok sa mga operatiba.

Napilitan umanong gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek.

Nakuha mula sa nasawing target ang isang sachet ng “shabu” at ang kalibre 45 baril na ginamit umano ng suspek.

-ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News