Marcelino Gundaway
  • Sex: Male
Incident Details
  • Found dead
  • Date of Incident: November 11, 2018
  • Location of Incident: Cabarrogis, Quirino
Source(s)

CAUAYAN CITY – May kinalaman sa trabaho ang pangunahing anggulo na iniimbestigahan ng Cabarroguis Police Station hinggil sa pagpatay sa isang barangay tanod na natagpuang nakasako sa irrigation canal sa Gundaway, Cabarrogis, Quirino.

Ang biktima na si Marcelino Ignacio, 59-anyos na barangay tanod ng Villapenia, Cabarroguis, Quirino, ay nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa leeg.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pol. C/Insp. Mario Tulio, hepe ng Cabarroguis Police, sinabi niya na posibleng may nasita si Ignacio habang siya ay nagpapatrolya.

READ: Cusi: ‘PH hindi lugi sa oil and gas deal ng China’
Hindi aniya masasabing biktima siya ng panghoholdap dahil kompleto ang kanyang mga gamit nang siya ay makita tulad ng kanyang baton, flashlight, at suot na gold plated wrist watch.

Sinabi pa ni Chief Inspector Tulio na ang placard na nakita sa kanyang bangkay na may nakasulat na “adik huwag tularan” ay paraan lamang ng suspek para ilihis ang imbestigasyon.

READ: Canadian manager, agaw pansin sa pag-donate ng dugo sa Bombo Radyo Laoag
Si Ignacio ay wala sa drug watchlist ng pulisya.

Ang biktima ay hinihinalang pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa irrigation canal sa barangay Gundaway.

Sa ngayon, mayroon nang natukoy ang mga pulis na person of interest.

Susuriin din ang kuha ng mga closed-circuit television camera sa mga lugar kung saan siya nagpatrolya para makita ang pinagsakyan sa biktima.