Joseph Bueno
  • Sex: Male
  • Age: 42
Incident Details
  • Date of Incident: November 10, 2018
  • City of Incident: Meycauayan City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Tatlong sinasabing mga notoryus na ‘tulak’ ng shabu ang magkakasunod na nasawi matapos na kumasa sa pulisya habang siyam pa ang kalaboso sa isinagawang magkakahiwalay na drug-bust operation sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan, Miyerkules ng gabi at Huwebes ng mada-ling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek na sina Nestor Santos, residente ng Brgy. Bagong Nayon, Baliwag; Melvin Corilan, ng Brgy. San Pablo, Candaba, Pampanga; at Joseph Bueno, 42, binata ng Brgy. Pajo sa Meycauayan City.

Kasalukuyan namang nakadetine na ang mga iba pang suspek na sina Rene Villas, Adam Concepcion, Marcelo Cruz, Edwin Roxas, Henry Silvestre, Jonard Ma-nalo, Paulino Ignacio, Alex Baldo at Randy Atacador, pawang mga nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Baliwag Police, dakong ala-1:15 ng umaga nang kumasa ang mga suspek na sina Santos at Corilan sa pulisya nang bunutin ng mga ito ang kanilang armas nang makahalatang pulis ang kanilang ka-deal. Na-ging maagap naman ang mga otoridad dahilan para maba- ril at mapatay ang dalawa.

Sumunod namang na-patay sa isa pang operasyon sa Brgy. Pajo ang suspek na si Bueno nang makipagbarilan umano sa mga pulis na aaresto sa kanya matapos masakote sa buy-bust ope­ration.

Narekober sa mga nasawing suspek ang dalawang paltik na baril, isang kalibre .38 revolver, 12 pakete ng shabu, drug pharapheralias at marked money.