Rico Doldolla
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 26, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation in public
Source(s)

DAVAO CITY – Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation ng mga pulis Linggo ng hapon sa harap ng isang convenience store sa Sandawa Road sa lungsod na ito.

Kinilala ang lalaki na si Rico Doldolla.

Ayon kay Chief Inspector Ronald Lao, hepe ng Talomo Police, positibong nabilihan si Doldolla ng pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

“Imbes na sumuko na lang siya, bigla niyang binunot ang baril sa kaniyang tagiliran at pinaputukan ang pulis, buti na lang at walang tinamaan,” ani Lao.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives sa lugar ang isang homemade TAURUS 9-millimeter revolver na may lamang tatlong bala at mga sachet ng shabu na sinasabing nagkakahalaga P5,000.

Dinala pa si Doldolla sa Southern Philippines Medical Center pero idineklara itong dead on arrival.

Dati nang nakulong si Doldolla dahil sa mga kasong illegal drugs, illegal possession of firearms at robbery.