Benito Salvani Jr.
  • Sex: Male
  • Age: 50
  • Occupation: former barangay chairman
Incident Details
  • Date of Incident: August 26, 2018
  • City of Incident: Butuan City
  • Province of Incident: Agusan del Norte
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Dead-on-the-spot ang isang dating barangay chairman matapos barilin sa loob ng sasakyan sa Butuan City, Linggo umaga.

Kinilala ang biktimang si Benito Salvani, 50-anyos.

Ayon sa mga saksi, biglang dumating ang isang lalaking nakasuot ng helmet na nakasakay sa motorsiklo sa pinagparadahan ng sasakyan ng biktima sa gilid ng kalsada sa Purok 5 sa Barangay Taguibo.

Bago ito, nakita pa ang biktima na may kausap sa telepono matapos iparada ang sasakyan.

Nakausap pa ng dalawang minuto ng ilang residente ang biktima bago binaril.

Dahil dito, nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan si Salvani.

Si Salvani ay kasama sa sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngunit mariin niya naman itong itinanggi.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad para malaman ang motibo sa pamamaril.