Roman Canapi
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 26, 2018
  • Time of Incident: 11:31 pm
  • City of Incident: Tuguegarao City
  • Province of Incident: Cagayan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Patay ang isang hinihinalang notoryus na drug peddler habang nakaligtas ang isang pulis dahil sa suot na bullet proof vest nang mabaril sa shootout sa isinagawang buy-bust operation sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na napatay sa engkuwentro na si Roman Canapi.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Chevalier Iringan, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 2, bandang alas-11:31 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Regional Intelligence laban kay Canapi sa kahabaan ng Centro 10 ng lungsod.

Nakatunog umano si Canapi sa kasagsagan ng buy-bust pero tinangka siyang pasukuin ng police posuer buyer pero agad na bumunot ng baril ang una at pinaputukan ang pulis na si PO2 Franklin Pagaliluan na tinamaan sa kaliwang bahagi ng tiyan subalit hindi tumagos ang bala dahil sa suot na bullet proof vest.

Napilitan ang nasabing pulis na gumanti ng pu­tok na ikinatimbuwang ng suspek at idineklarang dead-on-arrival sa People’s General Hospital.

Narekober mula sa bangkay ng suspek ang apat na plastic sachet ng shabu at dalawang tig-P500 cash. Nakuha rin sa lugar ang isang cal. 38 revolver na may tatlong bala, isang kaha ng cartridge at 2 piraso pa ng pinaputok na cartridge ng cal 9mm.