Sinubukang dalhin sa San Jose District Hospital ang biktima ngunit idineklera itong dead on arrival sa ospital. Samantala, nakuha sa crime scene ang isang empty cartridge case ng caliber .45 na maaring sangkot sa pamamaril. Patuloy ang isinasagawang follow up investigation sa nasabing krimen.
Renato Cajelo Mariano
  • Sex: Male
  • Age: 67
  • Occupation: Farmer
Incident Details
  • Date of Incident: July 14, 2020
  • City of Incident: San Jose
  • Province of Incident: Romblon
  • Found dead
Source(s)

Nasawi ang isang magsasaka sa bayan ng San Jose, Romblon matapos itong maging biktima ng papamaril noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Renato Cajelo Mariano, 67, residente ng Barangay Busay kung saan nangyari rin ang insidente.

Sa imbestigayon ng San Jose Municipal Police Station, ang biktima ay nasa loob ng isang kubo nang makarinig ng gunshot mula sa hindi matukoy na direksyon ang kanyang anak na si Paul Phil John.

Dito na nakita ng kanyang anak ang biktima na nakahiga na at may tama na ng baril sakanyang tiyan.

Sinubukang dalhin sa San Jose District Hospital ang biktima ngunit idineklera itong dead on arrival sa ospital.

Samantala, nakuha sa crime scene ang isang empty cartridge case ng caliber .45 na maaring sangkot sa pamamaril.

Patuloy ang isinasagawang follow up investigation sa nasabing krimen.