Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng 3 motorsiklo ang mga nakatakas na salarin. Pitong basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene. 
Anonymous
  • Sex: Female
  • Age: 35
Incident Details
  • Date of Incident: July 15, 2020
  • City of Incident: Quezon City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Dead on the spot ang isang babae matapos siya pagbabarilin sa Barangay Pinyahan, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Ludovico Perez ng QCPD Station 10, batay sa pahayag ng mga residente, nakaupo sa motorsiklo ang 35-anyos na biktima sa Maunlad Street nang barilin siya ng mga di pa kilalang suspek alas 8 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng 3 motorsiklo ang mga nakatakas na salarin. Pitong basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene.

Ayon kay Perez, inaalam kung may CCTV sa lugar. Iniimbestigahan na rin ang motibo sa pamamaril.