Dead on the spot ang biktima. Iniimbestiga na ng pulisya ang motibo sa krimen. Napag-alaman na kakalaya lang sa kulungan ng biktima dahil sa kasong may kinalaman sa droga. Sangkot din umano ang biktima sa serye ng mga pagnanakaw sa lungsod.
Anonymous
  • Sex: Female
  • Age: 21
Incident Details
  • Date of Incident: July 13, 2020
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang isang 21-anyos na babae matapos siya barilin sa Port Area, Manila Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District Homicide Division, pumunta ng computer shop ang biktima sa Rail Road Street, Barangay 650.

Pagkatapos mag-computer, naglakad na pauwi ang babae. Pero may sumunod pala na isang lalaki at binaril ang biktima sa ulo. Agad tumakas ang gunman.

Dead on the spot ang biktima. Iniimbestiga na ng pulisya ang motibo sa krimen.

Napag-alaman na kakalaya lang sa kulungan ng biktima dahil sa kasong may kinalaman sa droga. Sangkot din umano ang biktima sa serye ng mga pagnanakaw sa lungsod.

Inaalam nang pulisya kung konektado ba ang ang mga kaso ng biktima sa pagpatay sa kanya.