Marvin Coloma
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 15, 2018
  • City of Incident: Cabanatuan City
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang isang suspek sa buy-bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija matapos daw itong makipagbarilan sa mga pulis.
Sa ulat ng GMA News TV “Balita Pilipinas Ngayon” nitong Biyernes, kinilala ang umano’y tulak na si Marvin Coloma.
Ayon sa mga awtoridad, nakipagbarilan daw ang suspek nang makatunog siya na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon.
Tinamaan daw sa engkuwentro si Coloma at agad niya itong ikinamatay.
Nakakuha raw sila ng pitong sachet ng umano’y marijuana mula sa suspek.