Ronelson Rosal
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 15, 2018
  • City of Incident: Dasmariñas City
  • Province of Incident: Cavite
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaniyang kapatid matapos maka-engkuwentro ng mga pulis sa Dasmariñas, Cavite.

Nasawi si Ronelson Rosal habang nagtamo ng tama ng bala sa hita ang kapatid na si Val.

Ayon kay Chief Insp. Romulo Dela Rea, hepe ng General Mariano Alvarez police, inireklamo ang magkapatid ukol sa ninakaw na puting motorsiklo.

Nang respondehan ng mga pulis sa Barangay Paliparan, nagpaputok umano ang magkapatid. Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ni Ronelson.

Parte umano ng grupo ng palit-bato ang magkapatid kung saan ginagamit ang mga nakaw na motorsiklo sa pagtutulak.

Arestado rin ang 4 na iba pa na nahuling gumagamit ng droga sa bahay na hinihinalang drug den.

Narekober sa lugar ang 2 kalibre .38 na baril, ilang pakete ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.