Rodolfo Grande Jr.
  • Sex: Male
  • Age: 30
Incident Details
  • Date of Incident: November 10, 2018
  • Time of Incident: 3:05 am
  • City of Incident: Moncada
  • Province of Incident: Tarlac
  • Killed in police operation in public
Source(s)

2 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) – October 13, 2018 – 12:00am
MANILA, Philippines — Dalawang itinuturong kilabot na ‘tulak’ ng droga ang napatay ng mga otoridad nang manlaban umano ang mga ito habang sugatan naman ang isang alagad ng batas sa magkahiwalay na drug-bust operation na ikinasa sa lalawigan ng Tarlac at Bulacan, madaling araw ng Huwebes at Biyernes.

Dakong alas-3:05 ng madaling araw ng Huwebes nang makipagpalitan ng putok at mapatay ng mga pulis ang suspek na si Rodolfo Grande Jr. alyas “Ulo”, 30, sa buy-bust operation sa Brgy. Camposanto 1 Sur, Moncada, Tarlac, habang nasugatan naman sa insidente ang poseur buyer na si PO1 Felicisimo Rosete.

Nasamsam buhat kay Ulo ang isang cal.38 baril, 4 na plastic heat sealed sachet ng marijuana.

Sa Brgy. Minuyan, San Jose Del Monte City, sa Bulacan, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes nang tumimbuwang naman ang suspek na si Rowell Rivera alyas ‘Atay’, nasa hustong gulang, nang bigla umano itong bumunot ng armas nang makatunog na pulis ang kanyang ka-deal sa inilalakong shabu. Naging maagap ang pulis na agad gumanti na nagresulta sa pagkasawi ng supek.

Narekober sa crime scene ang isang cal .22 magnum revolver, mga bala, 5 pakete ng shabu at P500 marked money. (Boy S. Cruz)