Joselito Delaluya
  • Sex: Male
  • Age: 32
Incident Details
  • Date of Incident: December 27, 2018
  • Time of Incident: 7:30 pm
  • City of Incident: Candelaria
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

CANDELARIA, Quezon , Philippines — Hindi na nagawang tapusin ng isang dating drug personality ang ginagawa nitong pagluluto ng hapunan makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin kamakalawa sa Purok 4, Barangay Malabanban Sur.
Patay agad dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at katawan ang biktimang si Joselito Delaluya, 32, may asawa at residente ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng gabi habang nasa kusina ng kanyang bahay ang biktima at nagluluto ng ulam nang pumasok ang hindi nakikilalang armadong lalaki.
Habang nakatalikod umano ang biktima ay patraydor siyang inasinta at pinaputukan ng suspek saka mabilis na tumakas at ngayon ay tinutugis na ng pulisya.