Roldan Luche
  • Sex: Male
  • Age: 44
Incident Details
  • Date of Incident: December 27, 2018
  • Time of Incident: 9:30 pm
  • City of Incident: General Santos City
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

GENERAL SANTOS CITY – Hindi na nagawang makauwi matapos mag-kampeon sa sabong ang isang lalaki matapos na pinagbabaril kasama ang dalawang kasamahan ng mga naka-motorsiklong suspek.
Sa imbestigasyon lumalabas na nangyari ang pamamaril alas-9:30, Huwebes ng gabi, sa harap mismo ng sabungan sa national highway Brgy Apopong sa lungsod.
Kinilala ang napatay na si Roldan Luche, 44, taga-Prk Sto. Niño, Brgy Cannery Site, Polomolok.
Una rito, minamaneho nito ang isang Hyundai Accent kasama sina Antionio Cuan Jr. at Rey Pardillo at palabas na sana ng compound ng sabungan nang biglang binaril ng mga naka-motorsiklong suspeks gamit ang caliber .45 pistol.
Naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima, subalit idineklarang dead on arrival si Luche matapos magtamo ng multiiple gunshot wounds, habang patuloy ngayong ginagamot ang dalawang kasamahan nito.
Narekober sa crime scene ang pitong fired cartridges at tatlong slug ng caliber .45 pistol.
Isa sa tinitingnang anggulo ng kapulisan kaugnay sa nasabing pammaril ay ang dating kaso ni Luche na kaugnay sa RA 9165 at 10591 sa Polomolok, South Cotabato.
Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon sa naturang krimen.