Herbert Bartolome
  • Sex: Male
  • Age: 24
Incident Details
  • Date of Incident: December 27, 2018
  • Time of Incident: 6:10 pm
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

MANILA, Philippines — Patay ang isang 24-anyos miyembro ng ‘Bahala na Gang’ (BNG) nang barilin ng riding in tandem habang nakaistambay sa labas ng bahay, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa University of Sto Tomas (UST) Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg at kaliwang dibdib ang biktimang si Herbert Bartolome, alyas Ebet , ng Ma. Cristina St., Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insi-dente dakong alas-6:10 ng gabi sa naturang lugar habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigang sina Jay Soriano at Raymond Darilag nang biglang lumutang ang riding in tandem na suspects.
Walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang ulit ang biktima bago humarurot sa direksyon ng Loyola St., Sampaloc.
Nabatid na ang biktima ay nakulong noong taong 2016 dahil sa iligal na droga. Patuloy pang inaalam ang motibo at nasa likod ng krimen.