Jason Pastolero
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 26, 2018
  • City of Incident: Polomolok
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Found dead in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng pinaniniwalaang “drug suspect” matapos na pagbabarilin ay sinunog pa ang katawan nito sa Brgy. Crossing Palkan, Polomolok, South Cotabato, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni P/Supt Jose Marie Simangan, chief of police ng Polomolok ang biktima na si Jason Pastolero ng Surallah, South Cotabato.

Ayon kay Simangan, posibleng sa ibang lugar pinatay at sinunog ang biktima dahil hindi umano nasunog ang damo sa creek kung saan siya itinapon.

Sa pagsusuri, nasunog ang kalahating bahagi ng katawan ng biktima at halos hindi na makilala.

Droga naman ang tinitingnan ng pulisya na isa sa mga motibo ng pagpatay sa biktima.

Nabatid na nakita na lamang ng isang concerned citizen ang bangkay ng biktima pasado alas-6:30 ng umaga na agad namang itong inireport sa kinauukulan.