Aries Dimaranan
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 26, 2018
  • City of Incident: Biñan City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang isang lalaki na kasama sa drugs watch list at tatlo naman ang arestado sa anti-illegal drug operation sa Biñan City, Laguna.

Nabaril ang target ng buy-bust operation na si Aries Dimaranan nang manlaban umano sa pulis sa barangay Canlalay sa Biñan.

Hinihinalang drug pusher, patay nang manlaban umano sa buy bust operation sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna

Ayon kay Biñan City police officer-in-charge Superintendent Danilo Mendoza, may nakuhang pera at mahigit kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu sa suspek.

Sa parehong barangay, hinuli rin ang dalawa pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na sina Lawrence Cudiamat at Ryan Silvestre.

Ayon kay Mendoza, ikinasa ang drug operations nang magbigay ng listahan ng drug personalities ang kapitan ng barangay Canlalay.

Naaresto naman sa karatig-barangay na Malabanan si Ryan Manluan, na kasama rin umano sa drugs watchlist.

Sa Oriental Mindoro naman, timbog ang isang first year college at isang grade 11 sa buy-bust operation, kung saan nasamsam sa dalawang estudyante ang mga sachet ng hinihinalang shabu, kasama ang baril at bala.

Nabawi rin ang tatlong motorsiklo na nakaw umano ng mga suspek.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News