William Macalintal
  • Sex: Male
  • Age: 49
  • Occupation: tricycle driver
Incident Details
  • Date of Incident: December 5, 2018
  • City of Incident: Caloocan City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

Patay ang isang tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa Caloocan City.
Kinilala ang biktimang si William Macalintal, 49 anyos na residente sa Brgy. 177
sa Camarin.
Sa inisyal na imbestigasyon ng northern police district, ipaparada sana ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang dumating ang dalawang suspek na nakasuot ng face mask at saka sya pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang mga suspek makalipas ang insidente.
Naisugod pa sa Dr. Jose N. Rodriguez memorial hospital ang biktima pero nasawi din dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Apat na basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene.
Si Macalintal ay sangkot umano sa kalakaran ng ilegal na droga sa lugar.