Diamond Muega
  • Sex: Male
  • Age: 34
  • Occupation: police officer 1
Incident Details
  • Date of Incident: December 5, 2018
  • City of Incident: Koronadal City
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

KORONADAL CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa isang pulis na nasawi habang nasa gitna ng surveillance operation sa South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si PO1 Diamond Muega, 34, warrant officer ng Koronadal PNP.
Batay sa impormasyon, nagmamanman sa bahagi ng Brgy. GPS, Koronadal City si Muega dahil sa pinaniniwalaang presensya roon ng isang wanted person, nang makarinig ng mga putok ng baril.
Natagpuang nakahandusay ang katawan ni Muega.
Agad namang nakaresponde ang mga otoridad at nadala ospital ang pulis ngunit idineklara ring dead on arrival.
Habang tumakas ang pinaniniwalaang suspek sakay ang motorsiklo.
Kumbinsido ang pulisya na may kinalaman sa pagmamanman ni Muega ang motibo ng krimen.