Ulyses Bolante Rago
  • Sex: Male
  • Age: 30
  • Occupation: traffic law enforcer
Incident Details
  • Date of Incident: December 11, 2018
  • City of Incident: Cagayan de Oro City
  • Province of Incident: Misamis Oriental
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy pang inaalam ngayon ang pagkakakilanlan ng riding in tandem suspects na bumaril-patay sa drug surenderee na traffic law enforcer ng Iligan City.

Kinilala ang biktima na si Ulyses Bolante Rago, 30, residente sa naturang lunsod.

READ: PNP, nakipag-usap pa raw ng 3 araw sa pamilya ng isa sa gunman sa Batocabe slay case
Ayon kay Iligan City information officer Joe Pantoja na galing sa inuman ang biktima malapit sa terminal ng jeep, nang lumabas ito ay biglang nilapitan ng mga suspek at saka binaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Sinabi ni Pantoja na hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaril maliban na lamang sa kanilang nalaman na kabilang sa drug watchlist ng PNP ang biktima.