Allen Suarez
  • Sex: Male
  • Age: 34
Incident Details
  • Killed in police operation
  • Date of Incident: December 11, 2018
  • Time of Incident: 7:45 pm
  • Location of Incident: Guinobatan, Albay
Source(s)

Bumulagta ang 34-anyos na security guard matapos na umano’y pumalag sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanyang bahay sa Purok 3, Brgy. Lower Binogsacan, bayan ng Guinobatan kamakalawa ng gabi. Agad na nasawi matapos na mapuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinilalang si Allen “Kano” Suarez, ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi nang ilatag ng mga operatiba ng PDEA sa pangunguna ni Agent Vidal Bacolod ang buy-bust operation laban sa suspek na dating sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.

Gayunman, nakahalata ang suspek na PDEA agent ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ng baril pero inunahan na siyang pinaputukan ng mga operatiba. Narekober sa napatay na suspek ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng P18,000, drug paraphernalia at kalibre 45 baril.