Russel Padillo Tatel
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: February 1, 2018
  • Time of Incident: 12:45 pm
  • City of Incident: Calabanga
  • Province of Incident: Camarines Sur
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Legazpi City, Albay , Philippines — Bumulagta noon din ang isang drug suspek matapos itong manlaban sa ginawang search warrant operation ng mga pulis sa kanyang bahay sa Brgy. Manguiring sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur noong Huwebes ng tanghali. Sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, ang nasawing biktima ay kinilalang si Russel Padillo Tatel, residente ng nasabing barangay. Ayon kay Senior Inspector Ma.Luisa Calubaquib, spokesperson ng Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-12:45 ng tanghali nang salakayin ng Calabanga at Cam Sur Police ang bahay ng suspek upang isilbi ang search warrant mula kay Judge Pedro Redona. Gayunman pumalag si Tatel at bumunot ng baril mula sa kanyang beywang kaya napilitan siyang paputukan ng mga operatiba. Walang nakuhang droga sa ginawang search operation sa loob ng bahay ng suspek pero nakuha naman sa dalang sling bag at kanyang bulsa ang anim na sachet nang hinihinalang shabu. Narekober din mula kay Tatel ang isang kalibre .45 na baril at mga bala.