Jamil Timbol
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: February 1, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation in public
Source(s)

DAVAO CITY – Nasa P375,000 na halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakuha sa suspek na napatay ng mga otoridad matapos umano itong manlaban sa drug buy bust operation sa Lungsod ng Davao.

Isinagawa ang operasyon sa San Rafael Road ng siyudad sa pamamagitan ng joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-11 at Talomo Police Station.

READ: Volleyball team ng bansa may mga natutunan sa pagkatalo sa China
Nabatid na huhulihin na sana ang suspek na nakilalang si Jamil Timbol, residente sa nasabing lugar nang bigla itong bumunot ng armas, dahilan para mapatay ito ng mga pulis.

READ: Kaso ng leptospirosis sa Pangasinan tumaas ng 135% kasunod ng malawakang baha
Nakuha sa kanyang posisyon ang ibat’ ibang pakete ng illegal drugs pati na ang armas na may mga bala.

Una nang napag-alaman na nahuli na rin noon ang ama ng suspek dahil pa rin sa pagbebenta ng iligal na droga.