Ruben Genetiano
  • Sex: Male
  • Age: 63
  • Occupation: barangay chairman
Incident Details
  • Date of Incident: September 7, 2018
  • City of Incident: Pugo
  • Province of Incident: La Union
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

MANILA – Patay ang 63 anyos na puno ng Barangay San Jose sa Rosario, La Union nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng SUV nitong Biyernes.
Nakikipagkuwentuhan ang biktimang si Ruben Genetiano sa tapat ng bahay ng kamag-anak sa katabing-bayan ng Pugo nang bumaba ng sasakyan ang tatlong gunman at malapitan siyang barilin, ayon sa pulisya.
Kabilang sa drug watch list si Genetiano. Nitong Hulyo, inaresto siya matapos umanong makuhanan ng droga ang kaniyang bahay, pero nakapagpiyansa rin siya kinabukasan.
Gayunman, hinihinala ng kaniyang mga kaanak na politika ang motibo sa pamamaril dahil may nakaalitan umano ang biktima noong nakaraang barangay elections.
May nauna pa anilang pagtatangka sa buhay ni Genetiano, pero nabigo ito.
“Hindi pa rin nila tinigilan hanggang mapatay nila,” kuwento ng kaniyang anak na humiling na huwag pangalanan.
Sinabi naman ng pulisya na iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen.
Dating nanilbihan si Genetiano bilang barangay kagawad nang anim na termino. Pangalawang termino na niya bilang punong barangay nang mangyari ang krimen.