Jeffrey Andes
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 7, 2018
  • City of Incident: Valenzuela City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang isang drug suspek matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pinalagad, Malinta, Valenzuela City.
Nakilala ang suspek na si Jeffrey Andes, alyas ‘Kamote’ at residente sa lugar.
Nagpanggap na bibili ng droga ang isang operatiba at nang magkaabutan na ng droga at ng perang nagkakahalaga ng P500 ay nakaramdam ang suspek.
Dito na nagpaputok ng baril si Andes dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Isinugod pa ito sa Valenzuela Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 10 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, ilang piraso ng ID at kalibre .45 ng baril.