Rose Joy Basino
  • Sex: Female
  • Occupation: guest relations officer (GRO)
Incident Details
  • Date of Incident: October 10, 2018
  • City of Incident: Tacurong City
  • Province of Incident: Sultan Kudarat
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Patay ang isang 23-anyos na guest relation officer (GRO) na sinasabing sangkot sa ilegal na droga matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang nakikipag-inuman sa isang bar sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Unang Balita, Kinilala ang biktima na si Rose Joy Basino, residente ng General Santos City, na pinagbabaril ng tatlong suspek sa loob ng isang bar sa kahabaan ng highway, Barangay San Pablo.

Nakikipag-inuman ang biktima noon kasama ang kaniyang ka-table na kustomer nang pagbabarilin gamit ang caliber .45 pistol ayon kay Senior Inspector Ronalyn Domider ng Tacurong City Police Station.

Nagtamo si Basino ng tama ng bala sa ulo, pisngi at kili-kili, na agad niyang ikinasawi.

Sinasabing may hinaharap na kasong may kinalaman sa illegal na droga ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —Jamil Santos/LBG, GMA News