Edgar Bihag
  • Sex: Male
  • Occupation: barangay councilor
Incident Details
  • Date of Incident: October 10, 2018
  • City of Incident: Mandaue City
  • Province of Incident: Cebu
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

MANDAUE CITY – Patay ang isang konsehal ng Barangay Cubacub matapos tambangan ng hindi pa kilalang salarin sa lungsod na ito Miyerkoles ng umaga.

Dead on arrival sa ospital si Barangay Councilor Edgar Bihag.

Ayon kay Barangay Cubacub Chairman Almario Bihag, katatapos lamang ng kanilang session sa barangay nang mangyari ang insidente.

May mga residente umanong humingi ng tulong sa kanila para linisin ang kanilang pangalan matapos umano silang idawit sa “Kuratong Baleleng” drug syndicate.

Sakay si Almario at si Edgar sa garbage truck ng barangay at papunta sa istasyon. Pagdating sa Barangay Alang-Alang, pinaputukan ng nakamotorsiklong salarin si Edgar.

Sugatan rin sa insidente ang residenteng si Rolando Vega.

Noong Lunes, isang barangay tanod ng Cubacub ang namatay rin dahil sa pamamaril.

Idinawit rin ang barangay tanod sa “Kuratong Baleleng” drug syndicate.