Ronel Santiago Fernando
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 19, 2018
  • Time of Incident: 1:00 am
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation at home
Source(s)

BULACAN , Philippines — Patay ang isang sinasabing notoryus na tulak ng shabu matapos umanong manlaban sa drug bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte City, Miyerkules ng mada¬ling araw. Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinalaunan ay kinilalang si Ronel Santiago Fernando alyas Ronel, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Sto. Cristo, ng nasabing lungsod. Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose del Monte City police dakong ala-1:00 ng madaling araw, nagtungo ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit sa bahay ng suspek upang bumili ng shabu sa huli matapos na makumpirmang patuloy na nagbebenta ng droga sa kanilang lugar.
Habang ibinibigay ng suspek sa isang poseur buyer na pulis ang droga ay nakahalata ito saka biglang binunot ang kanyang armas at pinaputukan ang mga pulis subalit nang sila ay gumanti ay tumimbuwang ang suspek habang nakatakas naman ang tatlong lalaki na bumabatak ng shabu sa loob ng isang kuwarto ng bahay ng suspek.