Christian Edosora
  • Sex: Male
  • Age: 25
Incident Details
  • Date of Incident: September 19, 2018
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang ‘tulak’ ng iligal na droga na naglulungga sa loob ng Manila North Cemetery nang manlaban sa isinagawang buy-bust ope¬ration sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Christian Edosora, alyas Tol, 25, residente ng P. Algue St., Tondo.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 3, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa 9tt St., Manila North Cemetery.
Sa pangunguna ni Senior Inspector Edison Ouano, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng MPD-Station3, sina-lakay ang lungga ni alyas Tol dahil sa impormasyon na patuloy pa ang pagbebenta nito ng shabu sa loob ng sementeryo.
Nagawa pang makabili ng poseur-buyer subalit nakahalata ang suspek na pulis ang kaharap at mistulang sume-senyas sa mga kasamahan kaya nagtangkang tumakas sabay ng pagpapaputok ng baril sa kaharap.
Hindi naman tinamaan ang poseur-buyer na agad nakaganti ng putok na ikina-handusay ng suspek.
Naisugod pa sa pagamutan ang suspek na idineklarang dead-on-arrival.