Ronald Abetria
  • Sex: Male
Incident Details
  • City of Incident: Donsol
  • Province of Incident: Sorsogon
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

Nasawi noon din ang isang 49-anyos na kagawad ng barangay matapos barilin sa ulo habang nanonood ng sayawan sa loob ng parke ng Brgy. San Rafael sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Sanhi ng tama ng punglo sa likurang bahagi ng ulo, agad na binawian ng buhay ang biktimang si Ronald Abetria, may-asawa, residente at barangay kagawad ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:50 ng hatinggabi nakaupo ang biktima habang nanonood ng ginagawang benefit dance sa plaza ng kanilang barangay nang lapitan ng hindi nakila­lang lalaki mula sa kanyang likuran at binaril sa ulo.

Duguang bumulagta ang konsehal habang tumakas ang suspek at humalo sa nagtakbuhang mga nanonood na mga residente makaraang magkagulo dahil sa pamamaril.