Romeo Lacson
  • Sex: Male
  • Age: 59
Incident Details
  • Date of Incident: December 23, 2018
  • Time of Incident: 9:45 pm
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

LUCENA CITY, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang sinasabing ‘tulak’ ng droga nang manlaban ito sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa tabi ng lumang sementeryo sa Brgy. Ibabang Dupay, kamakalawa ng gabi.
Ang suspek na napatay sa operasyon ay kinilala ng pulisya na si Romeo Lacson, 59, may live-in partner at residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat, dakong alas-9:45 nang ikasa ang buy-bust laban sa suspek.
Gayunman, matapos mabilhan ng pulis na tumayong buyer ang suspek ng isang sachet ng shabu ay nakatunog ito na pulis ang kanyang ka-deal dahilan upang bumunot ng kalibre .38 baril at magpaputok na agad namang ginantihan ng mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek. Narekober sa bulsa ng suspek ang isa pang plastic sachet ng shabu, P500 marked money, at drug paraphernalias.