Roberto Macatangay
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 13, 2018
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Martes ng gabi.
Sa report ng pulisya, kinilala ang napatay na si Roberto Macatangay, alyas Bobet, kilalang drug personality at pasok sa drug watchlist bilang pusher sa Barangay San Rafael II.
Nabilhan umano ng poseur buyer ang suspect ng isang sachet ng shabu sa halagang P500 sa loob ng kaniyang bahay, dahilan para magtawag ang asset ng responde para umaresto.
Pero habang papasok ang mga operatiba sa maliit na eskinita papunta sa bahay, napansin ito ng suspk.
Nagpaputok ng baril ang suspek pero mabilis na nakaganti ang mga operatiba at napatay ang lalaki.
Narekober ang baril ng suspek, habang patuloy ang inventory sa mga droga na nakuha sa kaniyang bahay.
Patuloy ang imbestigasyon sa crime scene.