Basser Guiamlod
  • Sex: Male
  • Age: 31
Incident Details
  • Date of Incident: November 14, 2018
  • City of Incident: Pikit
  • Province of Incident: Cotabato (North Cotabato)
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na Basser Guiamlod habang sugatan ang kanyang kasama na si Antonio Silvano mga residente ng Brgy Dungguan Datu Montawal Maguindanao.

Ayon kay Supt Bernard Tayong ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo mula sa kanilang tahanan patungo sa bayan ng Pikit Cotabato.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay sa isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa Pikit.

Mabilis na naisugod ang mga biktima sa Cruzado Medical Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay si guiamlod dahil sa dami ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pananambang sa mga biktima.