Robert Cabuyadao
  • Sex: Male
  • Age: 33
Incident Details
  • Date of Incident: September 22, 2018
  • City of Incident: Cabatuan
  • Province of Incident: Isabela
  • Killed in police operation
Source(s)

Cabatuan, Isabela- Dead on Arrival ng isugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong manlaban sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Cabatuan sa barangay Rang-Ay, Cabatuan, Isabela.
Kinilala ang nasawing suspek na si Robert Cabuyadao, 33 anyos, may-asawa at residente ng brgy. Turod Quezon Isabela.
Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, dati na umanong minamanmanan ang naturang suspek sa kanyang patuloy na pagtitinda ng ipinagbabawal na droga kaya’t naglunsad ang pinagsanib puwersa ng PNP Cabatuan at PDEA RO2 ng buy bust operation.
Matapos umano ang transaksyon ng pulis na nagpanggap na poseur buyer at ng suspek ay nahalata nito na alagad ng PNP Cabatuan ang binentahan nito kaya’t agad namang binunot nito mula sa kanyang baywan ang dalang Caliber 38. Revolver at nanlaban.
Agad namang gumanti ang mga alagad ng batas na nagresulta upang magtamo ng tama ng baril sa ulo ang suspek habang sinunukan pang isugod sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.