Manny Mapalo
  • Sex: Male
  • Age: 48
Incident Details
  • Date of Incident: September 22, 2018
  • City of Incident: Cauayan City
  • Province of Incident: Isabela
  • Killed in police operation
Source(s)

Cauayan City- Patay ang isang lalaki matapos itong manlaban sa ikinasang buy bust operation sa barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Manny Mapalo, 48 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bimmunton Mallig Isabela.
Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, ay nanlaban umano si Mapalo matapos nitong mahalata na isang pulis ang nagpanggap na bumili sa kanya ng ipinagbabawal na droga kung saan ay agad nitong binunot ang dalang baril mula sa kanyang baywang at ipinutok sa nagpanggap na pulis.
Dahil dito ay agad naman itong ginantihan ng naturang nagpanggap na poseur buyer at nagresulta sa pagkamatay nito habang agad namang dumating ang mga miyembro ng Rescue 922 ngunit hindi na ito nadatnan ng buhay.
Samantala, nakuha mula sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang Caliber 38 na may dalawang fired bullet dalawang bala na nakalagay sa loob ng isang cylinder, basyo ng bala ng Caliber 9mm, isang libong piso na ginamit bilang buy bust money, isang cellphone, isang itim na wallet na naglalaman ng Temporary Operators Permit, Promissory note, resibo ng driver’s license , picture at pera na nagkakahalaga ng 250 pesos