Rizaldy Peregrino
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 21, 2018
  • City of Incident: Pandi
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko ay minabuti ng lalaking kilalang supplier ng shabu ang lumaban sa pulisya habang isinasagawa ang drug-bust operation sa isang lugar sa Brgy. Masuso sa bayan ng Pandi Miyerkules ng gabi.
Bumulagta noon din sanhi ng ilang tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinilalang si Rizaldy Peregrino, nasa hustong gulang’ at residente ng Brgy. San Pedro sa San Jose Del Monte City, lalawigan ng Bulacan.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi nagpunta ang mga operatiba ng lokal na drug enforcement unit sa isang lugar sa Brgy. Masuso matapos na makumpirmang nagpunta ang suspek sa lugar upang magbenta ng shabu na inaangkat mula sa ibang lugar.
Habang nagpapalitan ng items ang suspek at poseur buyer na pulis ay nakahalata ito na pulis ang kanyang ka-deal dahilan upang bunutin nito agad ang kanyang armas subalit naunahan ito ng mga otoridad na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Narekober sa suspek ang isang kalibre .357 magnum revolver, mga basyo ng bala, sampung pakete ng shabu, at P500 marked money na ginamit sa operasyon.