Ayon sa hepe ng Sibulan Police na si Police Capt. Enreque Asonio, nasa drugs watchlist si Paquit.
Reynold Paquit
  • Sex: Male
  • Marital Status: Married
  • Number of Children: 1
Incident Details
  • Date of Incident: May 28, 2020
  • City of Incident: Sibulan
  • Province of Incident: Negros Oriental
  • Killed by unknown assailants
Source(s)

Patay ang isang 34-anyos na lalaki habang sugatan ang kaniyang 6-buwang gulang na anak matapos sila pagbabarilin sa bayan na ito Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakaupo sa labas ng kaniyang bahay si Reynold “Junjun” Paquit sa Shin Village, Sitio Campaclan sa Barangay Poblacion at nasa kanlungan niya ang sanggol nang may dumaang mga lalaki.

Sa imbestigasyon, apat na hindi kilalang mga taong sakay ng dalawang motorsiklo ang namaril kay Paquit at sa kaniyang anak. Natamaan ng bala sa hita ang sanggol.

Dinala ang mga biktima sa ospital, pero binawian din ng buhay ang ama.

Ayon sa hepe ng Sibulan Police na si Police Capt. Enreque Asonio, nasa drugs watchlist si Paquit.