Novie Faustino/Palatao
  • Sex: Male
  • Age: 27
Incident Details
  • Date of Incident: July 31, 2018
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang napatay nang manlaban umano ang mga ito sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Maynila at Laguna.
Dakong alas-3:15 ng hapon nang mabaril at mapatay ng MPD-Station 3 ang suspek na si Novie Faustino, 27 sa eskinita sa tabi ng isang abandonadong gusali sa P. Guevarra St., kanto ng Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila nang manlaban sa buy bust.Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 38 baril at 6 na sachet ng shabu.
Patay din ang suspek na si Rolando Bugarin, miyembro ng isang crime group at kabilang sa lista¬han ng pulisya na sangkot sa droga nang ito ay kumasa sa search warrant naganap sa Sigue St., Brgy. Platero, Biñan City, Laguna dakong alas-8:35 ng gabi.
Isinisilbi ng mga pulis ang search warrant sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 nang bigla umanong bumunot ng baril at paputukan ang arresting team.
Gumanti ng putok ang mga pulis na nauwi sa ilang minutong shootout at napatay ang suspek.