Noel Bolivar
  • Sex: Male
  • Age: 38
  • Occupation: Divinagracia drug group member
Incident Details
  • Date of Incident: November 23, 2018
  • City of Incident: EB Magalona
  • Province of Incident: Negros Occidental
  • Killed in police operation at home
Source(s)

BACOLOD CITY – Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng kilalang drug group sa Negros Occidental matapos umanong manlaban sa buy bust operation ng mga pulis.
Kinilala ang nasawi na si Noel “Ampatuan” Bolivar, 38, residente ng Brgy 2., EB Magalona, at miyembro umano nang tinaguriang Divinagracia drug group.
Batay sa ulat, nanlaban daw ang biktima nang mabatid na pulis ang kapalitan niya sa isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Nagpaputok umano ito sa police asset, pero gumanti naman ng putok ang opisyal.
Nagtamo ng tama ng baril sa tagiliran, likod at ulo ang sinasabing drug pusher.
Bukod sa ipagbibili sanang iligal na droga, nakuha rin kay Bolivar ang pito pang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga umano ng higit P6,000, at isang calibre .45 na pistol.
Dumepensa namn ang anak ng biktima na si Noelyn.
Sinabi nito sa Bombo Radyo na na-frame up lang daw ang kanyang ama dahil matagal na umanong tumigil sa pagbebenta ng shabu.