Jose Oriel Digrano Legaspi
  • Sex: Male
  • Occupation: punong barangay/barangay captain
Incident Details
  • Date of Incident: November 24, 2018
  • City of Incident: Del Gallego
  • Province of Incident: Camarines Sur
  • Killed in police operation
Source(s)

Nadala pa sa ospital subalit hindi rin nakaligtas mula sa kamatayan ang isang punong barangay sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur.
Sabado, November 24, 2018, banang alas 12:20 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang kapulisan sa Brgy. Peñafrancia bayan ng Del Gallego, Camarines Sur.
Ang target: mismong ang Barangay Kapitan ng nabanggit na lugar n si Punong Barangay Jose Oriel Legaspi y Digrano.
Habang on-progress ang operasyon, naka-detect umano si Legaspi na ang kanyang ka-transaction ay mga pulis kung kaya’t dali-daling itong kumuha ng baril.
Nagkapalitan ng putok ang suspect at mga kapulisan na nagresulta sa malubhang pagkasugat ni Punong Brangay Legaspi. .
Sinikap pa siyang dalhin sa malapit na District Hospital sa bayan ng Tagkawayan sa Quezon province para mabigyang lunas subalit minalas at binawian din siya ng buhay dahil sa lubha ng tama ng bala sa kanyang katawan.