Nasser Usman
  • Sex: Male
  • Age: 47
  • Occupation: tricycle driver
Incident Details
  • Date of Incident: October 24, 2018
  • Time of Incident: 11:00 am
  • City of Incident: Polomolok
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang dalawang katao habang dalawa rin ang sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Unang pinagbabaril ng riding in tandem criminals ang biktimang si Kagawad Rhod Ubpon, 44, ng Barangay Rubber ng nasabing bayan.

Batay sa paunang imbestigasyon, naliligo ang biktima sa posong malapit sa kanilang bahay nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa natutukoy na mga lalaki.

READ: Kaluluwal na sanggol, natagpuan sa kabukiran ng La Union
Sugatan naman sa pangyayari ang dalawang anak nitong sina Jaffar Ubpon, 22; at Hiyer Ubpon, 24.

Apat na oras naman ang nakalipas nang barilin din ang isang Nasser Usman, 47, isang tricycle driver na taga Purok 2, Barangay Lapu.

Binaril-patay ito ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang naghihintay ng pasahero.

READ: Pinay na travel agent, arestado sa Hawaii dahil sa kasong theft
Sa imbestigasyon, papunta sana ng trabaho ang biktima sa isang plantasyon ng pinya nang harangan ito ng mga suspek sa daan at pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Samantala, ayon sa pulisya na nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong napatay na biktima.