Ian Apuyo
  • Sex: Male
  • Age: 34
Incident Details
  • Date of Incident: October 24, 2018
  • Time of Incident: 1:05 am
  • City of Incident: Baliwag
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Pagala, Baliwag, Bulacan.

Ayon sa mga otoridad, nagkasa sila ng drug buy bust operation laban sa pangunahing target na si Ian Apuyo alyas Bay at kilala rin sa tawag na Bisaya.

Sinasabing si Apuyo ay supplier ng ipinagbabawal na droga sa lugar.

Nang isagawa ng operasyon ay kasama ng suspek ang isang kasabwat na hindi nakilala.

Matapos magkaabutan ay napansin ni Apuyo ang mga papalapit na pulis kaya naman imbes na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulisya.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Ginamit naman ng kanyang kasabwat ang pagkakataon upang tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 revolver at limang piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na kasamahan ni Apuyo.