Mike Angelo Mariano
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 21, 2018
  • City of Incident: Camaligan
  • Province of Incident: Camarines Sur
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

NAGA CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso ng lalaking pinatay habang nasa gitna ng birthday party sa Camaligan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni S/Insp. Ronald Brugada, hepe ng Camaligan PNP, na may mga anggulo na silang tinututukan hinggil sa pamamaril kay Mike Angelo Mariano.

Batay sa ulat, nagtamo ng mga tama ng baril ang biktima matapos barilin habang nakikipag-inuman sa mga pinsan nito.

Na-recover ng mga pulis ang anim na basyo ng bala ng calibre-.45 na baril, at 9-mm firearm.

Sa ngayon, tumanggi munang magbigay detalye ang Camaligan PNP hinggil sa mga impormasyon na kanilang nakalap pero may mga CCTV footages na rin daw silang hawak ngayon para matunton sa mga salarin.

Hindi naman daw isinasantabi ng mga otoridad ang posibilidad na may kinalaman sa iligal na droga ang insidente.