Miguelito Campuesto
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 13, 2018
  • Time of Incident: 1:15 am
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang dalawang drug pusher nang ito umano ay manlaban sa magkahiwalay na drug buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila at Valenzuela City.

Sa Maynila, kinilala ang nasawing suspek na si Miguelito Campuesto alyas “Miguel”, walang trabaho at residente ng no. 525 United Nations Avenue, Ermita.

Bago nangyari ang shootout dakong ala-1:15 ng madaling araw sa panulukan ng Osmeña at Romuladez Sts., Tondo ay nagpanggap na user ng shabu si PO2 Jimmy Torio at bumili ng shabu sa suspek.

Subalit, nakahalata ang suspek at nagbunot ng baril at pinutukan si Torio na nakailag. Gumanti ito ng putok at pinagbabaril ang suspek sa katawan.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 38 baril at 11 sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Patay din ang drug suspek na si Jaime Avergonzado, alyas Jimmy ng Dulong Tangke, Brgy.Malinta,Valenzuela City nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Valenzuela City Police-Drug Enforcement Unit.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga pulis sa isang eskinita malapit sa bahay ng suspek at nagpanggap na buyer ng droga si PO1 Maverick Jake Perez na nagawang makabili ng dalawang plastic sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money.

Nakahalata naman ang suspek na mga pulis ang ka-deal at nang papalapit ay bumunot ito ng isang baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang ng suspek.