Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si "Lea Marie," na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay, ayon sa pulisya. Ayon sa isang barangay tanod, tulak umano ng ilegal na droga ang asawa ni "Lea Marie."
Lea Marie
  • Alias: Lea Marie
  • Sex: Female
  • Age: 38
Incident Details
  • Date of Incident: May 23, 2020
  • City of Incident: Caloocan City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

Patay ang isang babae matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang salaring pumasok sa kaniyang bahay sa Caloocan City gabi ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si alyas “Lea Marie,” 38 anyos at residente ng Barangay 176, Bagong Silang.

Ayon kay alyas “Rolly,” kapitbahay ng biktima, pasado alas-9 ng gabi nang pasukin ng 4 na hindi pa nakikilalang lalaki ang bahay ni “Lea Marie.”