Base sa salaysay ng kinakasama ng biktima, patulog na sila sa kuwarto ni Guzman nang bigla silang pinasok ng hindi bababa sa 4 na lalaki bandang alas-10 ng gabi. Pinupuwersa umano ng mga suspek na palabasin ng bahay ang mga biktima at nang magpumiglas si Guzman ay pinagbabaril ito.
Arsenio Guzman Jr.
  • Sex: Male
  • Number of Children: 1
  • Occupation: Construction Workerr
Incident Details
  • Date of Incident: May 20, 2020
  • Time of Incident: 10:00 pm
  • City of Incident: Quezon City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay sa Quezon City noong gabi ng Miyerkoles.

Sa ulat ng Batasan Police Station, kinilala ang biktima bilang si Arsenio Guzman Jr., dating barangay tanod at construction worker na taga-Barangay Holy Spirit.

Base sa salaysay ng kinakasama ng biktima, patulog na sila sa kuwarto ni Guzman nang bigla silang pinasok ng hindi bababa sa 4 na lalaki bandang alas-10 ng gabi.

Pinupuwersa umano ng mga suspek na palabasin ng bahay ang mga biktima at nang magpumiglas si Guzman ay pinagbabaril ito.