Kle Bula
  • Sex: Male
  • Age: 35
Incident Details
  • Date of Incident: January 9, 2018
  • City of Incident: Lambayong
  • Province of Incident: Sultan Kudarat
  • Killed in police operation in public
Source(s)

KORONADAL CITY – Patay ang isang dating drug surrenderee matapos manlaban sa mga kasapi ng Lambayong-Philippine National Police (PNP) sa Prk. 4, Barangay Kabulakan sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.

Ang napatay na suspek ay si Kle Bula, 35-anyos, residente ng Barangay Madanding ng nasabing bayan. Isa siyang notoryus na drug pusher at miyembro ng isang drug group sa Sultan Kudarat na dating sumuko sa Oplan Tokhang ngunit bumalik na naman sa kalakaran sa iligal na droga.

READ: Daan-daang residente, lumikas sa away ng magkalabang MILF group – AFP
Napag-alaman na nagsagawa ng drug buy bust operation ang Lambayong-PNP laban sa suspek ngunit nang mahalata nitong mga pulis ang kanyang mga katransaksyon, nagtangka itong tumakas at nagtapon pa ng granada.

READ: NFA hindi pa rin kumbinsido sa ‘Rice Tariffication Bill’
Mabuti na lamang at hindi sumabog ang naturang granada.

Kaagad binaril ng mga otoridad ang suspek na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nakuha sa posisyon nito ang nasa anim na malaking pakete ng shabu, isang baril at mga drug paraphernalia.