Julius Rosales
  • Sex: Male
  • Age: 45
  • Occupation: Policeman (AWOL)
Incident Details
  • Date of Incident: January 9, 2018
  • City of Incident: Calasiao
  • Province of Incident: Pangasinan
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng sabungan sa Calasiao, Pangasinan ang isang nag-AWOL na pulis at sangkot din umano ng droga.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA News TV “Balita Pilipinas” nitong Martes, kinilala ang biktima na si Senior Police Officer 1 Julius Rosales, 45-anyos, na huling nadestino sa Ilocos Sur.

Ayon sa pulisya, kararating lang ni Rosales sa sabungan sa Barangay San Miguel sa Calasiao nang pagbabaril siya ng dalawang lalaki na bumaba mula sa isang puting van.

Nakita sa crime scene ang mga basyo ng bala ng mula sa armalite at kalibre .45 na baril.

“Nakita pa rin namin na ito ay parang involve din siya sa drug activity. So tinitingnan namin yung anggulo kung ano yung mga possible motive sa [pagpatay sa] kaniya,” ayon kay P/Supt. Charlie Umayam, hepe ng Calasiao Police.

Idinagdag niya na nasa drug watchlist ng isang police station ang biktima at may kinakaharap na kaso kaugnay sa droga sa Urdaneta.

Nagtungo ang GMA News sa bahay ng pamilya ni Rosales sa Barangay Libsong West sa Lingayen pero tumanggi silang magbigay ng pahayag.