Joseph Makato
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: June 29, 2018
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MAYNILA – Patay ang isang hinihinalang tulak matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Santa Ana, Maynila Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Joseph Makato na may patong-patong na kaso.

Ayon sa pulis, nagpaputok umano ang suspek nang malaman na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Dinala pa sa ospital si Makato pero hindi na umabot ng buhay.

Nakuha sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril at 13 sachet ng umano’y shabu.

Ayon sa awtoridad, sangkot si Makato sa iba’t ibang kaso gaya ng murder, extortion, at attempted rape.

Kalalaya lang umano nito sa kulungan 2 buwan ang nakalilipas. – ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News