Joseph Guittap
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 28, 2018
  • City of Incident: Batac City
  • Province of Incident: Ilocos Norte
  • Killed in police operation in public
Source(s)

BATAC CITY, Ilocos Norte – Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa pulisya sa isang buy-bust operation sa Barangay Sumader, Batac City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Joseph Guittap, residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Chief Insp. Rodelio Santos, hepe ng Batac City Police, matapos magkaabutan ng hinihinalang isang sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na bumili, aarestuhin na sana si Guittap nang bigla itong pumalag, bumunot ng baril, at pinaputukan ang pulis.

“Biglang bumunot ng baril ang kanang kamay niya. Pinutukan itong ating poseur buyer so doon na nagkaroon ng armed encounter. Halos sabay, parang dwelo, then kaming back-up, sumunod na rin para back-up’an itong aming kasamahan,” aniya.

Natamaan sa tiyan ang pulis pero nakaligtas dahil sa suot na bulletproof vest. Gumanti ng putok ng baril ang pulis.

Nagtamo ng pitong tama ng baril sa katawan si Guittap.

Duda naman ang misis ng biktima na si Rose Anne sa isinagawang operasyon ng mga pulis. Hindi raw nanlaban ang kaniyang mister at wala itong baril.

Pauwi na daw sana ang mister galing paaralan para ihatid
ang kanilang anak.

Narekober ang tatlong sachet ng hinihinalang marijuana sa bulsa ni Guittap at ang kaniya umano’y kalibre 38 na baril malapit sa kaniyang leeg.

Bukod sa rekord nito sa pagbebenta ng shabu, may mga kaso pa ito na pagnanakaw sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ayon sa pulisya. Itinanggi ng kaniyang misis ang mga ito.

Hustisya ang hiling ng kaniyang misis.